HappyHoroscope
Tuesday, April 25, 2006
  DEAR DAUGHTER DEAREST

Dear Daughter Dearest,

Medyo mabagal akong magsulat ngayon dahil alam ko na mabagal kang magbasa. Dito na kami sa probinsya para tirahan ang bagong bili na bahay pero hindi ko maibibigay sa iyo ang address dahil dinala ng dating nakatira ang number para daw hindi na sila magpapalit ng address.

Maganda ang lugar na ito at malayo sa Manila. Dalawang beses lang umulan sa linggong ito, tatlong araw noong una at apat na araw naman nung pangalawa. Nakakainis lang ang mga paninda dito katulad ng nabili kong shampoo dahil ayaw bumula. Nakasulat kasi sa labas ay FOR DRY HAIR kaya hindi ko binabasa ang buhok ko pag ginagamit ko. Mamaya ay ibabalik ko sa tindahan at magrereklamo ako.

Noong isang araw naman ay hindi ako makapasok sa bahay dahil ayaw bumukas ang padlock. Nakasulat kasi ay YALE, aba eh namalat na ako sa kakasigaw ay hindi pa din bumubukas.

Mayroon nga pala akong nabili dito na magandang jacket at tiyak na magugustuhan mo. Ipinadala ko na sa iyo sa DHL, medyo mahal daw dahil mabigat ang mga butones kaya ang ginawa ko ay tinanggal ko na lang ang mga butones at inilagay ko sa mga bulsa.
Ikabit mo na lang pagdating diyan.

Nagpadala na din ako ng tseke para sa mga nasalanta ng bagyo, hindi ko na pinirmahan dahil gusto kong maging anonymous donor.

Ang kapatid mo nga palang si Jude ay may trabaho na dito, mayroon siyang 500 na tao na under sa kanya.
Nag-gugupit siya ngayon ng damo sa Memorial Park, okey naman ang kita, above minimum ang sahod.

Wala na akong masyadong balita. Sumulat ka na lang ng madalas.

Nagmamahal for life,
Mommy Dearest


P.S. Maglalagay sana ako ng pera kaya lang ay naisara ko na ang envelope.

 
Comments: Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]





<< Home

My Photo
Name:
Location: Belgium
Archives
March 2006 / April 2006 / May 2006 / June 2006 / July 2006 / August 2006 / September 2006 / October 2006 / November 2006 / December 2006 / January 2007 / February 2007 / March 2007 / April 2007 / May 2007 / June 2007 / July 2007 / September 2007 / October 2007 / November 2007 / December 2007 / September 2008 / September 2020 / May 2021 / June 2021 / March 2023 / April 2023 / May 2023 / October 2023 / November 2023 / December 2023 /


Powered by Blogger

Subscribe to
Posts [Atom]

Locations of visitors to this page

Locations of visitors to this page